Monday, September 29, 2025

Alam kong may magagawa ang Diyos!

Today is the last day of September, year twenty twenty-five. Mama is celebrating her 60th birthday today. As much as I want to provide for even the simplest celebration. I can't afford it. 

Sobrang dami ko man maling desisyon sa buhay. Lalo na sa aspeto ng pananalapi.

Maraming biyayang aking nasayang sa kakulangan ng desiplina at kaalaman.

Patawarin nawa ako ng Panginoong Diyos sa lahat ng aking nagawang mali.

Pero Lord! Nagmamakaawa po ako sa inyo. Iligtas Nyo ako sa kinasasadlakan kong suliranin ngayon.

Sa lahat ng aking utang Lord, hindi ko intensyon na hindi sila bayaran.

HIndi ko po intensyong magdala ng sama ng loob sa ibang tao.

Kaya Lord, Sa iyo at iyo lang ako laging aasa.

Sa lahat ng aking problema, ikaw lang at ikaw ang may kakayanang maglabas sa akin sa dusang aking kinakaharap.

Ikaw ang Panginoong naglabas sa iyong bayan sa Ehipto.

Ikaw ang Panginong nagbigay ng biyaya sa iyong bayan sa ilang.

Walang lingkod mo ang nagutom at namalimos na wala kang ginawa para sa kanila.

Ikaw na ang bahala sa akin Lord.

Hindi ko na rin alam anong magiging sunod kong hakbang sa buhay kong ito.

Patawarin mo po akong palagi.

Patawad Ama.



No comments:

Post a Comment